(1996)
Dahil ngayo'y napag-isipan ko na ring Ang dati kong pagtula'y mas angkop na ihambing Sa pagtatae -- kaysa sa panganganak -- Masasabi kong ito'y hindi basta lang na panghahamak. Dahil ako mismo at ako lalo ang naniniwalang totoo: Ang dati kong berso'y masarap i-flush sa inidoro.
Dahil ang tula, hindi ba, sa simula'y gumagapang, Makakakita't titindig, makikinig at tatapang, Tumatanda, may alaala at may tiyak na asinta. At kung para sa'yo, ganoon pa rin ang pagtula. (Ipagpaumanhin, patawarin, itong aking Latin): Hayaan mong ang tae ko'y ipaghele ko't patandain.
Dahil mapanlinlang ang panahong lumikha ng litong talinhaga, At ang tula ang siyang dapat na lumikha sa makata.