2017
Dumarating ka nang walang pasabi-sabi Na heto't mapapadalaw ka pala uli 'Pag narito ka, nabubutas aking dibdib Pinapasok ng hangin mula sa buong daigdig.
Ang mga mata ko, dalawang bukal Ang wala, parang baliw na sa bakuran ay di mapakali Pinaaalis kita, ngunit di ka pumapatol Na 'pag lumayas ka nga ay 'di na 'ko maghahabol!