1998
Narito noon ang buhay— Milagrosa, Karatak, Malido linga, mga melon at mga gulay, Gubat para sa pangangaso Mga ilog para sa pangingisda At walang mga ahas na nagsasalita.
Sina Datu Labawdunggon at Matang-ayon Ay nagtalik sa malawak na kaparangan Saka kinumutan ang mga sarili ng kalangitan Ngunit isang araw, ang mga ahas ay nagsalita: "bawal ang kumain ng prutas" anila At ang lupaing ito na sagana sa buhay Ay idineklarang impyerno Ng mga sumasabog na bomba At tumatagos na mga bala...
Ang mga asong-ulol ng digma Sa ahas na balatkayo Ay nanugis ng tao. Sa mga bumibisitang turista sa paraisong ito Ang paalala ay basahin ninyo: "Mag-ingat sa mga ligaw na bala!"