Ang lahat ng bagay ay tila kitikiti, Palagiang kumikilos at hindi mapakali. Ang paggalaw ay kakambal ng bawat bagay, Likas na kaugnay at hindi maihihiwalay.
All things are like the wriggler's wriggle
Pulsating moving not ever stale or still
Motion is synonymous with every object
Inherent interrelated everything is connected.
Ang mga bagay-bagay ay kay hirap isipin, Kung walang paggalaw, kung kaya, gayundin, Ang paggalaw mismo ay di natin matatanto, Kung wala ang mga bagay dito sa mundo.
It is difficult to conceive
of things without motion
In the same way in equal notion
Kinesis may be beyond comprehension
Unless beings and objects
are in contemplation
Sa daigdig, halimbawa, nagpapahinga man ang pagod, Matikas man ang estatwa at patay-malisya ang tuod, Sila’y hindi naliligtas sa paggalaw ng planeta, Ang pag-ikid at pag-inog ang palagiang sistema.
In this world, to illustrate,
the weary may rest,
The statue may be steadfast
A tree stump may stay pressed
But all are not spared
from the movement of the planet
The revolve and the pivot
is the system intermittent
Kung kaya ang masa na akala mo’y walang imik, Kapag natutong lumaban ay nagiging matinik! May mga kasama man na natitigil sa pagkilos, Ang rebolusyon sa daigdig ay hindi natatapos!
And therefore the masses
that you think are silent
Have learned to fight,
One day, will become a torrent!
There are comrades in the march
who may take a moment,
The revolution around the world
continues to foment!
A, lahat ng bagay ay saklaw ng ating kilusan, Katotohanan ito na di maaaring iwasan. Kung kaya’t habang tayo ay may lakas at talino, Sa pagkilos natin ialay ang ating bawat segundo!
Ah, all things are within the ambit
of the ever-growing movement
It is a truth
that finds no circumvent
Therefore while we have the strength and the talent
Let us change this country
shape hearts and minds
with all our heart
and with our every moment!