2000

ania nagan? kumusta? mano nga tawen? apay? kasano?

(anong pangalan? kumusta? ilang taon? bakit? paano?)

hindi kailangang maging mananaludtod upang gawing daniw itong bugtong at saludsod: MALAPYUDALISMO. pinagdikit-dikit na titik na sumusuyod sa ulo. ito'y palaisipang kaydaling matanto: tumatanghod sa taltalon tulad ng multong tuliro, gumagapang sa mga gapas at sa nabaling araro. pinagdikit-dikit na titik, na kurok sa sikmura sa tuwing sasapit ang apit. masakit na likod kagat ng lamok iyak ng bata maganit na tuhod murang sigarilyo mahal na abono inutang na kwarta takot sa panginoon— sumada ito ng sanlaksang talinhaga sa salaysay ng Mannalon sa pulang mandirigma

—- daniw - tula saludsod - tanong taltalon - mga sakahan mannalon - magsasaka (Ilokano)