2003
I. ang anak ko ay isang kakaibang nilalang siya'y isang sanggol sumisinok nagugulat sa lahat at laging umiiyak dilaw ang kanyang ebak at lagi siya umiihi sumusubsob siya sa aking dibdib at nananahimik nagtataka ako sa kanya lagi akong kinakabahan na baka hindi na siya humihinga hindi ako magkandaugaga at araw-araw na namamangha nasaan kaya ako sa nakaraang dalawampu't tatlong taon? at ngayon lang ako nakakita ng bata!
II. ang anak ko sa aking puson ay ang salimuot sa masalimuot, ang kabalintunaan ng kabalintunaan, at isang simpleng komplikasyon. siya'y kabilang sa ayaw bilangin ng tuktok ng bundok o di kaya ng bangin, ng tubig na maingay o ilog na malalim, ng bandidong hayag o bayaning lihim. tila pinagtatalunan pa ng tao kung bilog nga ba ang mundo, at walang pakialam ang anak kong gago! dito ko natitiyak ang hindi nila mapiho: ang daigdig ko'y bilog at sa puson ko natutulog.
III. ang anak ko ay isang kuliglig. naririnig ko sa gubat at bukid ang nakakatulig na himig ng aking pangungulila.
ang anak ko siguro ay marunong nang humalakhak at humalik, baka gumagapang na at pumapanhik, nag-aaral na yatang humakbang at bumigkas nang bulol baka pantig na putul-putol siguro'y ya-ya o lo-la, habang iniisip ko lalo akong nauuulol!
IV. ang anak ko ay batang palangiti, di tulad ko na laging nakasimangot. ang anak ko ay lalakeng ako, pero hindi ako, hindi rin tatay nya, na pinagmanahan nya ng pagkakwela. siya ay siya. lagi