2001

May rilag Sa karimlan

May mga bituin Mga ilawan ng mga kumpit sa laot Mga gasera ng mga dampa sa baryo At sa dako pa roon, di iilang bubong Ang nagkanlong sa ating mga Kasama Na may lihim na alab sa kanilang mga puso Na nagpapaningas sa damdamin ng marami

At kapag aming tinatahak Ang tubigang mababaw Ng isang sapa na paikid at lumilikaw Mamamalas namin sa ilalim nito Ang matingkad na mumunting kislap

Mula sa daan-daang patay na alitaptap Na nalunod sa ulan at unos

May rilag Sa karimlan

Ipinapakita nito sa atin Na ang kislap ng mga patay na alitaptap Ay hindi naman talaga namamatay